| Ang
QMD Inc. ay itinatag noong 1987. Nagnanasa kaming makagawa ng software
na makakapag-bawas ng panahong ginuguguol sa propesyon ng medisina
na siya ding mag-iibayo ng kalidad ng pangangalaga. Ang pagkalap
ng pangkasaysayang impormasyon mula sa pasyenta sa isang makabago
at epektibong paraan ay ang unang hamon na aming binigyang-pansin.1
Nakapagbenta
kami ng aming produkto na awtomatikong nagkakalap ng impormasyong
pang-kasaysayan (automated medical history-taking product) mula
1987 hanggang 1992. Noong 1997, nagsimula kaming bumuo ng kumpletong
software na nag-iimbak ng mga tala (record-keeping software) para
sa mga duktor; bumuo kami ng isang sistema para sa mga talang medikal
na nakabase sa mga laptop (laptop-based medical record system) para
sa mga nagtatrabaho sa ospital.
Sa
paglaon, napansin namin na ang pagpapataw ng isang simpleng modelo
ng pagnenegosyo para sa medisina ay hindi nag-tagumpay. Ang kalidad
ng pangangalaga ay bumagsak at patuloy na tumataas ang mga gastos.
Nanganganib ang mga pribado at pang-publikong pasiguruhan sa kalusugan
(health insurance plans) na magkaroon ng tuluyang pinansyal na pagguho.
Ang mga pangangailangan sa dokumentasyon na pang-Estado at pang-Federal
ay naging mas detalyado at tila imposibleng makamit...nang walang
isang sopistikadong sistema ng software. Ang mga solusyon ng software
para sa mga problemang klinikal ay bihirang
natatamasa. Subalit, ang isang makabuluhang antas ng "automation"
ang natatanging dahilan na makakasagip sa pangangalaga ng kalusugan
sa panahon ngayon. Kami ay nakatutok sa pagsasakatuparan ng automation
sa proseso ng pangangalaga ng pasyente. Gamit ang pagsasaayos ng
data at ng mga ideya, manunumbalik ang pagkasiya at ang mga tubo
sa negosyo.
_______________
1Ang
kauna-unahang sistema para sa awtomatikong pagpapanayam ay binuo
ni Warner Slack, M.D. noong 1966. Si Dr. Slack ay isang emeritus
professor sa Harvard University.
* tingnan ang
mga HCFA Draft
Evaluation & Management Documentation Guidelines (PDF
File) Nangangailangan ng Adobe Acrobat Reader™ upang mabasa.
Ang Acrobat Reader ay makakamit nang libre sa www.adobe.com/products/acrobat/readermain.html |