|
Maaaring
pag-ibayuhin ng Software na Awtomatikong nagkakalap ng impormasyong
Pang-kasaysayan (Automated history-taking software) ang...
- Pagkakaroon
ng tubo ng iyong opisina. Naitataas mo ang CPT code*
para sa isang pagbisita nang hindi gumugugol ng karagdagang panahon,
sapagkat ang software ang kumakalap ng karamihang bahagi ng kasaysayan
at inipapasok ito. Maaari kang magsagawa nang maraming mga pagpapanayam
ng pasyente ng sabay-sabay. Ito ay limitado lamang ng bilang ng
mga hand-held o laptop computers na maaari mong mabili. Hindi
ka na gagastos pa para sa pag-i-imprenta ng mga dokumentong pang-katanungan
sa iba't-ibang mga wika. Ang produktong The Interviewer™
ay maaaring makapag-kalap ng impormasyong pang-kasaysayan sa sariling
wika ng pasyente at i-imprenta ito sa iyong sariling wika. Mababawi
mo ang halaga ng software na ito sa loob ng anim na linggo.
- Pagsunod
sa mga bagong mga regulasyon at alituntunin na pang-Estado at
pang-Federal.
- Pagpapanatili
ng Kalidad. Maaari mong hanapan ang database para sa
mga sintomas, impormasyong pang-kasaysayan, at maging mga paggamot.
Ang impormasyon sa paggamot ay talagang mahalaga kapag nagsagawa
ng pag-recall ng mga gamot.
|
 |