Home
Tungkol sa Amin
Mga Produkto
Makipag-ugnayan sa Amin

THE INTERVIEWER™ version 4.0

Paano ito gumagana?

Ang software na ito ay kumakapanayam sa pasyente nang walang pagtulong mula sa isang tao, ibig sabihin ay walang pangangailangan mula sa panahon ng mga tauhan. Nagbibigay ito ng mga katanungan sa screen sa isang anyo na madaling mabasa at nagsisimula sa mga pangkalahatang mga katanungan bago magpatuloy sa mga mas partikular na mga katanungan depende sa mga tugon ng pasyente.

Kapag natapos na ang panayam, nagpapakita ito ng isang makulay na paglalarawan ng mga isinaayos na tugon ng pasyente at maging isang pinaikli at inimprentang ulat na angkop na maisama sa tsart ng pasyente. Hindi pinaaandar ng duktor ang software at sa halip ay simpleng tinatanggap lamang niya ang panayam. Wala halos na pagsasanay ng tauhan ang kasangkot. Maraming mga pasyente ang maaaring kapanayamin nang sabay-sabay. Ang bilang ng mga pasyenteng kinapanayam nang sabay-sabay ay limitado lamang sa bilang ng mga computer na nais ipagamit ng klinika para sa ganitong layunin.

Kapasidad para sa Iba't-ibang Wika

Maaaring kapanayamin ng The Interviewer ang pasyente sa kanilang sariling katutubong wika, at bumuo ng isang ulat sa wika na nais gamitin ng duktor. Ang Civil Rights Act of 1964 ay itinuturing na nagsasaad na ang lahat ng mga pasilidad para sa pangangalaga ng kalusugan ay obligadong maghatid ng mga serbisyong pangsasalin-wika para sa lahat ng mga pasyenteng lalapit sa pasilidad na iyon. Sa ilang mga lugar sa siyudad, tulad ng Los Angeles, higit sa 80 na iba't-ibang mga wika ang maaaring ginagamit. Sa aspetong pinansyal, imposibleng mabayaran ang mga tagasalin-wika sa loob ng 24 oras sa isang araw sa lahat ng mga wika na maaaring makaharap. Ang isang produktong tulad ng The Interviewer ay may malaking maitutulong sa pagbibigay ng solusyon sa suliraning ito.

Mga Iminumungkahing Pagkilos

Ang produkto na ito ay naghahatid sa propesyonal ng partikular na mga aksyon o pagkilos na kaniyang bibigyang-turing, tulad ng mga lab test, radiographic studies, atbp. Ang mga mungkahing ito ay nakabase sa mga tugon ng pasyente.

Query o Paghahanap

Binibigyan ang duktor ng abilidad na hanapan ng mga tugon ang database.

Mga Pasya ukol sa produkto na ito
The Interviewer™ v. 1.0

"Sa kabuuan...isa itong program na nagbibigay sa iyo ng uri ng kumpleto at malawakang impormasyon sa pasyente na mahalaga para sa iyong paggagamot...at naggagawad sa iyo ng karagadagang panahon na mailalaan sa pasyente sa proseso ng pagsasakatuparan nito."
Physicians & Computers
Disyembre 1987

The Interviewer™ v. 2.0

Medical Software Reviews, Setyembre 1993 / Vol. 2 No. 9
Nagbigay-pasya: David W. Bauer, M.D.

JAMA 1994 Vol 271
Nagbigay-pasya: Ray van Wolkenten, M.D., Ph.D.

Mga Kinakailangan sa System: Microsoft Windows '98 o mas bago.